Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abogado binaril sarili pagkapatay kay judge

0 380

Patay ang isang Judge ng Manila Regional Trial Court, Branch 45 habang nagbaril naman sa sarili ang suspek na kanyang clerk of court kahapon sa loob mismo ng opisina ng hukom sa Manila City Hall.

Isinugod pa sa Manila Medical Center ang biktimang si Maria Theresa Abadilla y Samonte, 44, dalaga at Presiding Judge ng Manila RTC Br. 45, na may tanggapan sa Rm 535, 5th Flr., dahil sa tama ng bala sa kaliwang pisngi pero dineklarang patay alas-3:15 ng hapon nina Dr. Jeremy Cordero at Dr. Margie Quitoy ng emergency department.

Nagbaril naman sa kanang sentido na tumagos sa kaliwang tenga ang 42-anyos nitong clerk of court na suspek, na namatay noon din.

Isa sa sinasabing kontrobersiyal na kaso na hinawakan ni Abadilla, ang kasong cyber libel ni Maria Ressa, ng Rappler.

SM food to go Banner Ad

Sa inisyal na ulat mula sa Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), naganap ang insidente alas-2:45 ng hapon.

Ayon sa ilang insider, naulinigan pang nagtatalo ang dalawa kasunod ng putok ng baril hanggang sa mabungaran na lang na nakahandusay at duguan si Abadilla habang nakaupong patihaya ang naka-face mask nitong abogado.

Lumilitaw din na bago ang insidente ay nag-usap umano ang dalawa sa opisina ng hukom kaugnay sa performance ng suspek na hindi naging paborable. Kakarekober lang sa COVID-19 ng suspek at magre- resign na sana ito sa kanyang trabaho nang magkasagutan ang dalawa.

Inaalam pa ang motibo sa krimen. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.