Abante Tonite Interactive

Abogado ‘hinubaran’ sa social media

By
1,010

Tiklop ang isang kilalang abogado sa bansa matapos na wak­wakin ito sa social media ng isang butangerong showbiz personality na nagmamarunong din sa larangan ng pala­kasan.

Sa nakalap na info ng Tonite, nagsimula ang lahat nang kastiguhin ni showbiz personality ang hubaderang blogger da­hil sa pang iinsulto sa isang bayani ng bansa.

Dito na sumawsaw ang kapirasong abogado at naging personal ang banat sa showbiz personality.

Abante Hiring – IT dep

Gumanti naman ang showbiz personality at inungkat ang naging relasyon ng abogado sa isang nene kaya’t tinawag niya itong pedophile.

Sinundan pa niya ito ng banat na iisa lang daw ang bayag ng abogado at kalbo pa dahil naka-wig lang ito.

Ang pamatay na banat ng showbiz personality, nag-aambis­yon pa daw ang abogado na makatikim ng artista mula sa Kapuso network gayung matandang hukluban na ito at mukhang bakulaw pa.

Natameme na lang ang abogado, mis­tu­lang pinitpit na tan­san dahil sa daming tinanggap na banat na humubad sa kanyang pagkatao.

Clue: Naging kli­yente ng abogado ang personalidad na suma­bit sa ibinentang helicopter. May letrang T sa kanyang pangalan as in Tinapa. (Boyet Jadulco)