Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abogado inatake ng `Basag Kotse’

0 53

Natangayan ng baril, bala at pera ang isang abogado nang mabiktima ng “Basag Kotse” sa Brgy. Isla, Santa Rosa, Nueva Ecija noong Biyernes ng gabi.

Sa ulat sa tanggapan ni Mayor Josefino Angeles, ang biktima ay si Atty. Ricardo Rivera Atayde Jr., ng Santa Rosa, Nueva Ecija.

Ayon kay PSSgt Niño Callueng, ika-9:30 ng gabi nang matuklasan ang pambabasag sa bintana ng SUV ni Atayde na nakaparada sa gilid ng lansangan.

Natangay ang sling bag ni Atty. Atayde na naglalaman ng Glock 9 pistol na may 2 magazine na naglalaman ng bala, P50K cash, tablet at mga personal nitong gamit.

Sa nakalap na impormasyon ang tumakas na salarin ay nakaitim na jacket, maong pants, may taas ng 5’6 – 5’8, katamtaman ang pangangatawanan.

Ito na ang ikalawang insidente ng `basag kotse’ sa Nueva Ecija, unang nabiktima ang isang pulis sa Cabanatuan City noong Enero 1. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.