Abante Tonite Interactive

Abogado na may hawak ng mga drug case nilikida

232

Patay ang isang abogado na maraming hinaha­wakang kaso na may kinalaman sa iligal na droga ang binaril at napaslang ng hindi pa nakilalang armadong salarin sa labas ng isang mall sa Tagum City, Davao del Norte Miyerkoles ng gabi.

Deadon the spot ang biktimang nakilalang si Atty. Rex Jasper Lopos, 41, na nasapul ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan. Resi­dente ng Nabunturan, Compostela Valley pero may law firm ito sa lungsod ng Tagum.

Naganap ang insidente dakong alas-siyete ng gabi matapos na lumabas si Lopos sa City Mall kung saan ito inabangan ng salarin, isa sa mga suspek ang bumaril sa biktima habang isa naman ang nagsilbing lookout sa krimen.

Sa pahayag ng security guard ng mall, isang putok­ ang narinig niyang umalingawngaw sa lugar pero walang narekober na cartridge ng armas sa lugar.

Isa naman sa mga sinisilip na motibo ng krimen ng mga awtoridad ay ang mga sensitibong kaso na hinahawakan ng nasabing abogado habang patuloy ang imbestigaayon sa krinen.