Abante Tonite Interactive

Abogado nakipag-away sa mikropon

By
1,054

Lumabas ang tunay na ugali ng isang abo­gado matapos na mapikon sa isang debate sa matandang d­ating opisyal ng gobyerno.

Nag-umpisa daw ang lahat nang soplahin ng matanda ang abogado hinggil sa isinampa nitong kaso laban sa isang government official.

Sa nakuhang info ng Tonite, agad daw na nag-init ang ulo ng abogado at pasigaw na sinasagot ang matanda with matching­ panlilisik ng mata.

Kalma lang daw ang matanda pero patuloy sa pagsasalita kaya lalo pang nainis itong abogado at pinag-initan ang hawak na mikropono.

Halos sakalin daw ng abogado ang mikropono, iwinasiwas sa hangin at ibinalibag sa mesa.

Pero nang pagsali­tain siya ng moderator, sa gigil ng abogado ay muntik na siyang ma­ngudngod sa mikropono buti na lang at dumampi lang ito sa kanyang labi.

Nakunan daw ng video ang pagwawala ng abogado at marami ang nadismaya sa magaspang na pag-uugali nito, lalo pa’t matanda na ang kanyang kadebate.

Nagbabalak pa naman ang abogado na tumakbo sa darating na halalan, pero sa nakitang kagaspangan ng kanyang ugali ay malamang na sa kangkungan siya pulutin pagkatapos ng eleksyon.

Clue: Lagi itong laman ng mga forum at adik sa mga ambush interview. May letrang G sa kanyang pangalan as in Godfather.