Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abogado nang-indiyan: PAL petition sa tax refund supalpal

0 341

Binasura ng Court of Tax Appeals second division ang inihaing petisyon ng Philippine Airlines ni Lucio Tan laban sa Commissioner of Internal Revenue para sa tax refund na hinihingi nito nang hindi sumipot sa korte ang abogado nito.

Agad inutos ng CTA second division associate justices Juanito Castaneda Jr. at Jean Marie Bacorro-Villena ang pagbasura ng petition for review ng PAL para sa tax refund nung July 13 nang indiyanin ng abogado ng PAL ang korte.

Ang PAL ang naghain ng petisyon para sa review sa korte noong February 28, 2020, bago mag-lockdown at mga community quarantine dahil sa COVID 19.

Natanggap ng CTA ang pretrial brief ng Bureau of Internal Revenue nito nung July 6, 2020 at nagpadala ang CTA ng mga notification noong July 1 tungkol sa pretrial hearing na naka-schedule para sa July 13 ng 9am.

Sabi ng korte, binabasura nito ang kaso, CTA case no. 10263, dahil hindi nagsumite ng pretrial brief ang PAL na siya pa namang nagdala ng kaso sa korte at dahil hindi rin ito sumipot sa pretrial conference.

“The petition for review is hereby DISMISSED and this case is CLOSED and TERMINATED,” sabi ng CTA 2nd division. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.