Abante Tonite Interactive

Abogado ni Darren kinumpirma ang kaso ni JK

645

Tuloy pa rin ang legal battle nina Darren Espanto at JK Labajo matapos itong kumpirmahin ni Atty. Lorna Kapunan. Nagsampa umano ng kasong cyber libel ang ina ni Darren laban kay JK.

Ito ay dahil sa kanilang Twitter war na nangyari noong October 2018. Madiin ang paninindigan ni Atty. Kapunan na kay JK mismo galing ang post na iyon, na mariin naman niyang itinatanggi.

Ani Atty. Kapunan, “Dalawang beses nag-hearing ‘yung kaso since we filed it in March of this year and finile ‘to ng mother kasi at that time minor pa rin si Darren but ‘yung two hearings na ‘yun sa office of prosecutor hindi nag-appear si JK and it was supposed to be submitted for decision.”

Subalit kamakailan lang ay muling pinabuksan ni JK ang kaso para sa second page at kumuha na rin siya ng sarili niyang abogado. Nakatakda ang kanilang pagkikita noong April 12, subalit wala pang balita kung ano ang nangyari sa hearing nila.

Nang tanungin si Atty. Kapunan kung maaayos ba ang sigalot ng dalawa nang hindi dumadaan ang dalawa sa korte, paliwanag niya, “Maybe in due time if there is sincere apology on the part of JK at hindi na uulitin, maybe that would be an opening for the parents to consider and for Darren because he is celebrating his birthday. He will no longer be a minor so this is for him to decide soon.” (Ronaline Avecilla)