Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abogado ni De Lima sinaway ng Muntinlupa RTC

0 108

Sinita ng Muntinlupa City Regional Trial Court ang abogado ni Sen. Leila de Lima at hiniling naman ng Department of Justice (DOJ) prosecutors na i-contempt dahil sa pagbaligtad ng mga facts kaugnay sa kasong illegal drug trade na isinampa ng Department of Justice laban kay De Lima.

Sanhi nito, hiniling ng DOJ prosecutors sa pangunguna ni Provincial Prosecutor Ramoncito Bienvenido Ocampo Jr., sa Muntinlupa City RTC na papanagutin si De Lima at ang kanyang abogado na si Atty. Filibon Fabela Tacardon ng indirect contempt at patawan ng maximum penalty dahil sa paglabag sa sub judice rule.

Sa 39-pahinang petisyon, inakusahan ng mga prosecutors si De Lima at kanyang abogado nang pagbibigay ng “intentional and malicious misinformation” sa media na nagsasabi na nilinis na ng testigo ng prosekusyon ang pangalan ni De Lima.

Ginawa umano ni Tacardon, ang pahayag sa bail hearing noong Oktubre 23, 2020 kung saan ito ay may kaugnayan sa testimonya ng mga testigong sina Artemio L. Baculi, financial investigator mula sa Anti-Money Laundering Council, at PDEA digital forensic examiner Krystal R. Casenas, na naglinis kay De Lima sa illegal drug trading. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.