Abante Tonite Interactive

Abogado nilimas ng Basag-kotse Gang

905

Mahigit P220,000 kabuuang halaga ng cash, mga gadget at baril ang natangay ng Basag-kotse Gang sa sasakyan ng isang abogado sa Caloocan City kamakalawa nang gabi.

Sa ulat ni Senior Supt. Ferdinand Del Rosario ng Caloocan Police, pasado alas-sais nang gabi nang iniwan ng biktimang si Atty. Marvin Mesia, 47-anyos, ang kanyang Nissan Navara sa par­king lot ng Max’s restaurant sa EDSA southbound, sakop ng Barangay 94 ng nasabing lungsod.

Pagbalik niya sa sasakyan ay wala na ang kanyang P60,000 cash, isang lisensiyadong .40 caliber pistol, mga gadget at mga identification card.

Humingi ng saklolo si Mesia sa himpilan ng Caloocan Police Community Precinct 1 na mabilis namang nagsagawa ng follow-up operation pero hindi na naaresto ang mga suspek.

Base naman sa kuha ng closed circuit television (CCTV) camera ng nasabing restaurant ay nakitang dalawang lalaki ang lumapit sa sasakyan ng biktima at binasag ang likurang bintana nito.