Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abogado sinuspinde ng SC

0 63

Sinuspinde ng Korte Suprema ang isang abogado hinggil sa umano’y paglabag nito sa Code of Professional Responsibility (CPR).

Hinatulang “guilty” ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) si Atty. Berteni Causing, sinuspinde ng SC nang isang taon sa pagtupad ng tungkulin bilang abogado, at binantaan pa na kung mauulit ang paglabag ay mas matinding kaparusahan ang igagawad.

Agad ipinatupad ng hukuman ang suspensiyon.

Nag-ugat ang lahat noong Abril 7, 2016 kung kailan direktang pinadalhan ng mensahe ni Causing ang anak ni Enrico Velasco na si Jomel kaugnay ng kasong isinampa ng ama nito laban sa isang Nina Ricci Narvaez Laudato na ipawalang-bisa ang kasal nito sa kanya (Velasco). Si Causing ang abogado ni Laudato.

Nagsampa ng disbarment case ang nakatatandang Velasco laban sa abogado.

Ang katuwiran ng abogado ay umakto lang umano siyang “spokesman-lawyer” ng kanyang kliyente at karapatan umano niya ito sa ilalim ng press freedom bilang “journalist-blogger.” Ngunit ito ay pagsuway pa rin sa CPR 16, ayon sa IBP.

Si Causing, ayon sa korte, ay malinaw na lumabag sa Section 1221 ng Family Courts Act na nagbabawal sa paglathala sa anumang record ng mga kaso ng Family Court.

Leave A Reply

Your email address will not be published.