Abante Tonite Interactive

Abogado tinadtad ng bala sa Rizal

292

Patay sa pananambang ang isang abogado matapos itong tadtarin ng bala ng mga suspek na sakay ng motorsiklo riding-in-tandem sa Rodriguez, Rizal kahapon nang umaga.

Dead on-the-spot matapos magtamo ng mga tama ng armalite rifle at kalibre .45 baril ang biktimang nakilalang si Atty. Edilberto Golla Jr., residente ng Eastwood Subd., Brgy. San Isidro ng nabatid na bayan.

Ayon kay P/Col. Lou Evangelista, Provincial Director ng Rizal Police, naganap ang insidente alas-siyete nang umaga sa harapan ng bahay ng biktima.

Abante Hiring – IT dep

Kakalabas pa lang ng gate ang abogado na sakay ng kanyang SUV nang lapitan ito ng mga suspek at pagbabarilin. Hindi pa nakuntento ang isa sa mga suspek dahil inubos umano nito ang bala ng armalite sa katawan ng suspek bago mabilis na tumakas sakay ng walang plakang motorsiklo.

Ayon sa pulisya, posibleng malaki ang galit ng mga suspek sa biktima dahil sa ginawa nilang brutal na pamamaslang dito.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may kinalaman sa kanyang trabaho bilang abogado ang pamamaslang habang patuloy ang ginagawang pagkilala sa mga suspek at posibleng pagdakip sa mga ito. (Edwin Balasa)