Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abogado tinarakan ng screwdriver sa ulo

0 89

Kritikal sa pagamutan ang isang abogado matapos saksakin sa ulo ng dalawang holdaper na tumangay ng kanyang mga mahahalagang gamit sa Iloilo City, nitong Miyerkoles ng gabi.

Inoobserahan sa St. Paul Hospital si Atty. Angelo Carlo Guillen, 32, Secretary General ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) Panay.

Tinutugis naman ng pulisya ang dalawang suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen. Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente alas-9:15 ng gabi ilang metro lang ang layo sa Ferri Mar Hotel kung saan pansamantalang tumutuloy ang abogado.

Pabalik na sana ang biktima sa nasabing hotel nang mapansin niyang sinusundan siya ng dalawang lalaki. Tumakbo umano ang abogado subalit hinabol siya ng mga suspek at nang maabutan ay binugbog siya ng mga ito saka sinaksak ng screwdriver na may 12 pulgada ang haba sa parteng sentido at likurang bahagi ng katawan.

Kinuha rin umano ng mga salarin ang dokumentong at laptop ng abogado bago mabilis na nagsitakas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Guillen ang may hawak ng ilang kaso ng mga naarestong aktibista sa Iloilo at Panay island base pa sa ulat. Abogado rin umano siya ng isa sa 37 nagpetisyon sa Supreme Court na kumukuwestiyon sa legalidad ng Anti-Terrorism Act.

Panawagan naman ni NUPL Visayas Vice President Rene Estopacio ang mabilis na pagkahuli sa mga salarain.

Kinondena rin ng Malacañang ang brutal nap ag-atake sa kay Guillen.

“Kaya nga po inaatasan natin ang lahat po ng kapulisan at NBI (National Bureau of Investigation) na imbestigahan ang kasong ito at parusahan yung mga tao na nasa likod sa attempt na patayin itong kapwa nating abogado,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque. (Edwin Balasa/Juliet de Loza-Cudia/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.