Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abogadong COVID positive nalunod sa beach

0 209

Nasawi ang isang abogado matapos niyang malunod habang naliligo sa isang beach resort sa Nasugbu, Batangas nitong Linggo ng umaga.

Nabatid na nag-outin­g ang biktima kahit pa nahawa siya ng COVID-19.

Kinilala lamang sa alyas Manong, ang 77-anyos na biktima na residente ng Brgy. Poblacion, Biñan City, Laguna.

Batay sa report ng Nasugbu Police, kasama ng biktima ang isang Tarhata Karina Razia Salas, 47-anyos, na court social worker at ang outing ay sa Bernabeach Resort sa Brgy. Bucana.

Bandang alas-9:45 ng umaga, mag-iisang naliligo ang biktima nang mapansin ni Salas, na noon ay nasa bayba­ying-dagat, na walang malay ang nauna.

Agad sumaklolo ang mga tauhan ng beach at isinugod sa Jabez Medical Center sa nasabing bayan si Manong su­balit ideklara na itong dead on arrival ng doktor.

Napag-alaman din sa kasama na may sintomas ng COVID-19 ang biktima kaya’t isinailalim ito sa Rapid Antigen Test kung saan positibo ang resulta.

Kaya naman agad inilagay sa isolation facilities si Salas habang hinihintay pa ang resulta ng kanyang swab test. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.