Abante Tonite Interactive

Aboitiz pasok sa telecommunications

By
192

Pumirma ng memorandum of understanding (MOU) ang Aboitiz InfraCapital at ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para magtayo at mag-operate ng isang network ng mga tower sa bansa ang una na mahala­gang infrastructure para sa mga telecommunications company (telco).

Sabi ni DICT Acting Secretary Eliseo Rio Jr., ang pagpirma nila ng MOU ay pagkilala sa kakayanan ng Aboitiz na mag-invest sa mga tower na maaa­ring paupahan sa mga telco.

“This MOU simply states DICT recognizes Aboitiz as capable, and that it has the financial capacity to invest in towers that it can lease to the telecommunication companies,” sabi ni Rio.

Umaasa si Rio na magkaroon ng 50,000 tower sa bansa sa loob ng pito hanggang 10 taon.

Ang mga Aboitiz ay malakas sa negosyo ng ener­hiya at banking.

Dahil may mga power generation company ang Aboitiz, may kaugnayan na ito sa Meralco na pinamumunuan ni Manny V. Pangilinan, na siya ring namumuno sa PLDT at Smart.