Abante Tonite Interactive

Abot kayang gifts para kay teacher

145

Ipinagdiriwang natin ngayon ang Araw ng mga Guro. Ang mga tinuturing nating ikalawang nanay, tatay at kaibigan.

Marami sa ating mga estudyante ang nag-iisip ng mga pwedeng ipangregalo sa kanila. Pero alam mo ba na may tatlong bagay kang pwedeng ibigay sa paborito mong guro nang hindi gumagastos?

Pwede kang sumulat sa kanila ng isang message card, classic ito pero maituturing na pinakamagandang paraan para ipakita sa kanila ang appreciation mo.

Abante Hiring – IT dep

Isulat mo ang magagandang karanasan mo sa kanila, pwede rin naman na idaan mo sa paraang ito ang mga gusto mong sabihin na hindi mo kayang sabihin sa kanila ng personal.

Pagbabago. Alam mo ba na ang pinakamagandang regalo na matatanggap ng isang guro ay ang makitang nababago niya ang isang estudyante? ‘Yung nakapag-iiwan sila sa ‘yo ng inspirasyon. Kung gusto mo talagang bigyan ng regalo ang guro mo, bakit hindi na lang ito ang ibigay mo?

May mababa ka bang grado? Ibigay mo ang best mo sa susunod na exam para tumaas ito. Mas ma-appreciate ng mga guro ang isang estudyante na handang magbago.

Awit, sayaw o kaya munting pagtatanghal. Alam mo ba ang paboritong awit niya?

Makaluma man o kontemporaryo, alayan mo sila ng isang awit o pwede mo rin namang isang sayaw. Tiyak na matutuwa silang makisabay sa ‘yo.

Gawin mong espesyal ang araw na ito nang hindi gumagastos, magiging masaya na sila sa kung anong maliit na sorpresa ang ibigay mo para bigyang pugay ang mga guro.

Sa huli, ipakita sa kanila na higit sa anumang materyal na regalo na kanilang matatanggap, ang mga regalo mo ang pinakamatatandaan nila.