Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abot kayang panseguro sa panahon ng pandemya

0 217

Mabigat sa bulsa ng mga mamamayan ang epekto ng Coronavirus disease (COVID-19).

Nagkaroon ng implikasyon ang banta ng COVID-19 at naging malaking hamon ito sa ekonomiya ng bansa, healthcare system, at lipunan sa pangkalahatan.

Upang makatulong at maipakita ang pagmamalasakit sa mga Pinoy ngayong panahon ng kagipitan, inilunsad ng COCOGEN nitong Oktubre 16 ang COVID-19 Assist+ na isang personal accident insurance kung saan sakop nito ang COVID-19 sa ilalim ng micro insurance ng COCOGEN.

Nakapaloob sa bagong produkto ang coverage para sa accidental death and disablement, burial benefit at daily hospital benefit na parehong sanhi ng aksidente gayundin ang pagkakaloob ng tulong pinansiyal sa iba pang kadahilanan.

Para sa mga insured na nasuri at kinapitan ng COVID-19 ay maaaring makatanggap ng daily hospital benefit ng hanggang 15 araw.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod pa rito ang cash assistance kapag pumanaw sanhi ng COVID-19.

Ang COVID-19 Assist+ ay mayroong dalawang magkaibang package.

Sa abot-kayang halaga na Php 50.00, ang bawat indibidwal ay puwedeng umagap ng basic package o puwede rin sa mas mataas na coverage na may prime package sa presyong Php 75.00.

Bahagi ng paglulunsad ng COCOGEN ay ang idinaos na producers orientation sa pamamagitan ng Zoom noong Oktubre 19 para matalakay at maipaliwanag ang mga nilalaman at benepisyo ng produkto sa mga business partner.

“I am deeply honored to share this with you as our agents because we feel that this product is very much needed in our society and the country today,” ani COCOGEN President Atty. Darren M. De Jesus sa orientation.

Binanggit din ni De Jesus sa napalathala nitong artikulo sa isang pahayagan na sa pamamagitan ng COVID-19 Assist+ ay pangungunahan ng COCOGEN ang pagkakaloob ng abot-kaya at de kalidad na produktong pang-seguro para sa mga mamamayang Filipino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.