Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abraham: Semi-bubble sa pro league

0 226

Iminungkahi ni Games and Amusements Board chairman Abraham Kahlil Mitra na mag-semi-bubble para makapag-workout at practice ang professional basketball teams sa mga lugar na kaunti lang ang kaso ng coronavirus gaya sa Batangas, Bataan at Quezon.

Ipinaliwanag ni kamakalawa ng opisyal na maaaring makapag-ensayo o ehersisyo ang mga mga basketbolista sa mga lugar na nasa General Community Quarantine o mas mababa ang quarantine status base sa inaprubahan na Joint Administrative Order ng Department of Health, GAB at Philippine Sports Commission.

”Of course, hindi ito gaya ng NBA bubble na halos worth $1.5B but the pro teams can enter in a semi bubble as approved by the provisions of the JAO,” aniya. (Lito Oredo

Leave A Reply

Your email address will not be published.