Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aljur nasakal kay Kylie

0 178

NI: Archie Liao

Kanya-kanya na namang kuda ang mga netizen sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan between Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Sa kanya kasing cryptic post, may ibinahagi si Kylie tungkol sa pagbabago at sa proseso ng moving on.

Sa kaso naman ni Aljur, marami ang naintriga sa kanyang post na : “Grateful for where I am at. Excited about where I am going.”

Kung ide-decipher daw ito ayon sa mga katkatera, lumalabas na parang walang remorse ang aktor sa nangyaring hiwalayan nila ng esmi.

Ito ay sa kabila ng sinabi ng kanyang in-law na si Robin Padilla na may third party sa hiwalayan.

Hirit naman ng ilang bitchy kibitzers, hindi raw kaya nasakal si Aljur kay Kylie dahil sa pagiging selosa nito?Dahil ditto, grateful siya sa kanyang newfound independence.

As of this writing, patuloy naman ang guessing game ng mga tsismosa kung sino ang third party na umanoý sangkot sa breakup ng dalawa.

Matatandaang bago pa man ikinasal ang dalawa, nakipag-break na noon si Kylie sa actor nang madiskubre nito at ma-link si Aljur sa kanyang kapareha.

Kamakailan naman sa virtual mediacon ng kanyang pelikulang ipino-promote, pinagbawalan ang movie press na magtanong sa aktor tungkol sa breakup nila ni Kylie.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang aktor sa sanhi ng hiwalayan nila ng misis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.