Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABS-CBN babu sa mga talent

0 2,001

Nagpasya ang ABS-CBN na bitawan na ang mga artistang may eksklusibong kontrata sa kanila matapos na muling mag-isyu ng kautusan ang National Telecommunications Commission (NTC) kung saan pinapatigil nito ang operasyon ng Sky Direct at TV Plus ng Kapamilya network.

Base sa impormasyon, nagpatawag ng emergency meeting via Zoom ang pamunuan ng Kapamilya network isang araw matapos ang cease and desist order ng NTC sa Sky Direct at TV Plus at doon inihayag ang desisyon ng pamunuan na ipatigil ang trabaho ng ilang departamento ng ABS-CBN.

Kabilang umano sa mga apektado ang current affairs program at mga teleserye ng network. Patunay umao dito ang pagkawala sa ere ng “Umagang Kay Ganda,” isang morning show ng ABS-CBN Current Affairs na hindi na napanood mula noong Hulyo 2.

Matatandaang una nang nagbabala si ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak sa pagdinig ng Senado noong buwan ng Mayo hinggil sa franchise renewal ng Kapamilya network na posibleng magbawas sila ng mga empleyado pagsapit ng Agosto kapag hindi nakabalik sa operasyon ang network.

Nabatid pa na simula noong Hunyo ay kalahati na lamang ng kanilang suweldo ang natatanggap umano ng ilan sa mga empleyado ng Dos.

Kaugnay nito, umugong ang balitang `palalayain’ na ng ABS-CBN ang kanilang mga artista kahit pa mayroong kontrata ang mga ito sa kanila.

Kapag nangyari ito, malamang na makabalita na lang umano ang mga Pinoy fan ng mga Kapamilya celebrity na lilipat sa ibang network.

Leave A Reply

Your email address will not be published.