Abante Tonite Interactive

ABS-CBN Ball 2018 pabonggahan

1,637

tonite-this-is-it-roldan-castroPatalbugan ang mga Kapamilya actress sa ABS-CBN Ball 2018 pagdating sa mga suot nilang gowns. Ginanap ito sa Shangri-la Makati.

Hirap na hirap maglakad si Kisses Delavin sa red carpet dahil sa suot na gown. Ka-date niya si Donny Pangilinan. Magka-date din sina Vivoree Esclito at Hashtag CK (Charles Kieron), JM de Guzman at Barbie Forteza. Magkasama rin sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Parang Christmas tree daw si Sarah sa mapula at makintab na suot.

Habang sinusulat ito ay magka-date din daw sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Angelica Panganiban at Carlo Aquino, Liza Soberano at Enrique Gil, Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, Joshua Garcia at Julia Barrettp, Maymay Entrata at Edward Barber, Kim Chiu at Xian Lim, James Reid at Nadine Lustre, Iñigo Pascual at Maris Racal.

Kapansin-pansin din ang pag-uusap ng mag-ex na sina Robi Domingo at Gretchen Ho.

Masaya at matagumpay na nairaos ang ABS-CBN Ball.

Shannon wagi sa Ms. Philippine Island

 

Nasungkit ni Shannon Christie Kerver­ ang titulong Ms. Philippine Islands. Siya ay kinatawan ng Cabiao, Nueva Ecija.

Marami ang nagagandahan kay Shanno, 21 years old, Filipino-Dutch.

Nagtapos siya ng elementary sa Netherlands. Nag-high school naman siya sa Brent International School-Manila. Pangarap niya na maging lawyer, kumukuha siya ngayon ng pre-law degree sa University of the Philippines-Diliman.