Abante Tonite Interactive

ABS-CBN Best Station sa magkakasunod na 10 taon

By
565
tonite-this-is-it-roldan-castro
Umani ang ABS-CBN ng 34 na tropeo, kabilang ang ika-sampung sunod na Best TV Station award, sa 32nd Star Awards for Television kamakailan lang.
Nanguna sa mga panalo sina Joshua Garcia at Jerome Ponce, na nag-tie bilang Best Drama Actor para sa ‘The Good Son,’ sina Coco Martin at Yassi Pressman ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ na ginawaran ng German Moreno Power Tandem of the Year, at ang ‘ASAP,’ na iniangat sa Hall of Fame.
Panalong Best Actress in a Single Performance si Kim Chiu (Ipaglaban Mo) at Best Actor in a Single Performance si James Blanco (Maalaala Mo Kaya). Si Lorna Tolentino naman ang pinangalanang Best Drama Supporting Actress (Asintado).
Nagwagi rin ang ‘The Good Son’ bilang Best Primetime Series, ang ‘Ipaglaban Mo’ bilang Best Drama Anthology, ang ‘Goin Bulilit’ bilang Best Gag Show, at ang ‘Wansapanataym’ bilang Best Horror/Fantasy Show. Sina Rufa Mae Quinto at Ogie Alcasid naman ang nanalong Best Comedy Actress at Actor para sa ‘Home Sweetie Home,’ samantalang Best New Female TV Personality si Heaven Peralejo para sa ‘Wansapanataym.’
Samantala, panalo ang ‘TV Patrol’ bilang Best News Program, at ang anchor nitong si Bernadette Sembrano ang pinarangalan ng Best Female Newscaster. ‘The Bottomline’ ang panalong Best Public Affairs Program habang ang host na si Boy Abunda naman ang kinilalang Best Public Affairs Program Host.
Bukod dito, panalo rin ang ‘Tonight with Boy Abunda’ bilang Best Celebrity Talk show habang si Boy Abunda rin ang pinangalanang Best Celebrity Talk Show Host. Best Travel Show naman ang ‘G Diaries’ at ang host nitong si Gina Lopez ang Best Travel Show Host. Panalo rin si Korina Sanchez-Roxas bilang Best Magazine Show Host (Rated K) at si Lucky Manzano bilang Best Talent Search Program Show Host (I Can See Your Voice).
Kinilala rin ang ‘Umagang Kay Ganda’ bilang Best Morning Show at ang ‘Matanglawin’ bilang Best Educational Program, habang ang host nitong si Kim Atienza ang nanalong Best Educational Program Show Host.
Pinarangalan rin ang 2017 year-end special ng ABS-CBN News na ‘Paglayang Minamahal’ bilang Best Documentary Special.
Kapamilya stars also nabbed various special awards: Julia Barreto (Female Star of the Night), “It’s Showtime’s” Greg Hawkins (Male Star of the Night), Yassi Pressman (Female Face of the Night), McCoy De Leon (Glowing Guy of the Night) and Heaven Peralejo (Glowing Gal of the Night).
Ang Star Awards for Television ay iginagawad ng Philippine Movie Press Club upang kilalanin ang husay at galing ng iba’t ibang programa at personalidad sa telebisyon sa bansa.
***
‘All Souls Night’ mananakot
Ipinagmamalaking ihandog ng VIVA Films at ALIUD Entertainment, kasama ng ImaginePerSe­cond production, ang ‘All Souls Night’ na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann.  Ito ay mapapanood sa mga sinehan simula Oktubre 31.
Mula sa imahinasyon ni Yam Laranas, iikot ang kwento ng ‘All Souls Night’ kay Shirley, isang kasambahay na tumanggap ng panandaliang trabaho sa isang pamilya.  Ang ama ng tahanan ay may karamdaman at ang asawa nitong si Ellen ay may tatlong mahigpit na bilin kay Shirley: Una, dapat laging nakasara ang mga bintana at mga pintuan; Ikalawa, huwag lalabas habang nagtatrabaho sa kanila; at ang panghuli, huwag papasok sa kanilang kuwarto nang walang pahintulot.
Ang pelikulang  ito ay sa ilalim ng direksyon nina Aloy Adlawan at Jules Ka­tanyag, na parehong sumulat ng ilan sa mga pinakamalalaking Pinoy horror movie.
Kilala si Adlawan dahil sa ‘Ouija’ na tinanghal bilang Pinakapasadong Dulang Pampeplikula sa ika-10 Pasado Gawad Sining Sine ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro, at sa ‘Signus’ na nagtamo rin ng maraming parangal kabilang na ang Best Foreign Film sa 2007 Lone Star International Film Festival sa Texas, at Best International Thriller sa 2008 New York International Independent Film and Video Festival. Siya rin ang nagsulat ng pelikulang ‘Sundo’, ‘T2’, ‘Tumbok’, ‘Third Eye’, at ilang segment sa ‘Shake, Rattle and Roll’.
Bilang manunulat, ilan sa mga nabuong pelikula ni Katanyag ay ang ‘Shake, Rattle and Roll’ (12 and 13), ‘Bampirella’ (TV series, 2011), ‘Darna’ (TV series, 2009), at ‘Victor Magtanggol’ (TV series, 2018). Bilang direktor, nakamit niya ang Special Jury Prize sa Cinema One Originals Digital Film Festival para sa pelikulang ‘Si Magdalola at ang mga Gago’ (2016).
Si Yam Laranas, na siyang nagbigay sa atin ng pelikulang ‘The Echo’ (kilala rin sa titulong ‘Sigaw’ kung saan natamo niya ang Special Award mula sa Brussels International Festival of Fantasy Film), ang tumayong Creative Head ng ‘All Souls Night’.
Sa pinagsamang husay ng kanyang mga direktor, hindi nakapagtatakang tinanggap ni  Andi Eigenmann ang pelikulang ito. Iniwan na ng aktres ang buhay-siyudad at mas piniling manirahan malapit sa dagat na makikita sa kanyang mga Instagram posts. Si Andi ay nagwagi bilang Best Actress sa 2016 FAMAS Awards para sa pelikulang ‘Angela Markado’.
Tampok din sina Yayo Aguila, Allan Paule at ang bagong child star na si Lhian Gimeno sa ‘All Souls Night’.