Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABS-CBN crew binully ng mga Marcos Jr supporter

0 273

Sapol sa isang video na pinost sa TikTok ang eksena sa political caravan sa Quezon City kahapon kung saan pinagsisigawan ng mga supporter ni presidential bet Ferdinand Marcos Jr ang crew ng ABS-CBN.

Batay sa TikTok video ni @rzlgny, napadaan sa kumpulan ng mga taga-suporta ni Marcos ang isang crew cab ng nasabing network.

Dito ay makikita ang tila pakikipagtalo ng mga tagasuporta sa isang sakay ng crew cab, habang sumisigaw ang iba ng “Bias, bias!”

SM food to go Banner Ad

Nang lumapit ang nagvi-video, makikita ang empleyado ng ABS-CBN na inilabas ang kanyang kamay sa bintana at nag-dirty finger sa mga tagasuporta ni Marcos.

Samantala, maraming motorista at commuter ang nadismaya at nagngitngit sa caravan ng tambalang Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon dahil sa matinding trapik na dinulot nito.

Isang motorista na maghahatid sana ng mga halaman sa kanyang mga customer ang dumaing na nalanta na ang mga paninda niya matapos na matenggal sa trapik.

Humingi naman ng paumanhin ang kampo ni Marcos sa abala na dinulot ng kanilang caravan. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.