Abante Tonite Interactive

ABS-CBN franchise hihimayin ngayon sa Senado

786

Tuloy ngayong umaga ang gagawing pagta­lakay ng Senado sa franchise ng ABS-CBN ­Corporation sa ­kabila ng paggiit ni Speaker Alan Peter Cayetano na ‘­unconstitutional’ ito.

Ayon kay ­Senador Panfilo Lacson, ­hindi siya mag-aalangang ­dumalo sa pagdinig kung tatala­kayin ng Senate committee on Public ­Services sa pamumuno ni ­Senadora Grace ang franchise bill ng ABS-CBN basta’t ­hindi ito iisponsoran ang committee report sa ­Senate floor.

“I would not hesitate to participate if the Committee on Public Services will discuss the ABS-CBN franchise bills referred to it, as long as no committee report is sponsored on the floor until the House ­version is transmitted to us to deliberate on the Senate floor,” sabi ni ­Lacson.

“For me, it is a ­matter of jurisdiction. While the franchise ­renewal of a time ­established ­media network cannot be detached from the issue of press freedom, it is up to the courts to deal with accusations for violations of law.

On the other hand, it is the duty of ­Congress to deliberate and vote on ­pending bills ­involving ABS-CBN. That is where I am ­coming from,” sambit pa nito.

Sinabi naman ni ­Senador Christopher Bong Go na mainam na rin ang mapag-usapan ang naturang isyu para malaman ng tao ang mga isyu tungkol rito.

“I hope na mailahad at ­mapag-usapan ng maayos ang ­lahat ng mga isyu bukas (­ngayon). Mabuti na rin po na magkaroon ng pagkakataon para ­malaman ng publiko ang mga isyu tungkol sa franchise ng ABS-CBN. (Dindo Matining)