Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABS-CBN franchise huhusguhan na

0 791

Tinapos ng House Committees on Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability ang serye ng pagdinig nito kaugnay sa panukalang pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS CBN.

Kaya naman inaasahang isasalang na rin ito sa botohan sa mga susunod na araw kung saan dito ay huhusgahan na kung mabibigyan o hindi ng panibagong prangkisa ang TV network.

Napag-alaman mula kay Rep. Franz Alvarez, chair ngLegislative Franchises committee na bububuin na ng komite ang lahat ng natalakay sa pagdinig nito ngayong linggo at kasunod nito ay itatakda na ang botohan ng mga miyembro ng komite.

Wala pang itinakdang skedyul para sa gagawing botohan. Ang komite ay may 46 miyembro at 44 ex officio members. (Eralyn Corvera Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.