Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABS-CBN hindi napatay

0 188

Natanong ang ilang artista, maging ang mga director sa mediacon ng MMK kung ano ang saloobin nila dahil sa July 10 ay isang taon nang walang prangkisa ang ABS-CBN.

Sinimulan ni direk Mae Cruz na hindi napigilang maging emosyonal, ” Masakit pa rin hanggang ngayon. Pero kahit wala ng franchise we’re still doing this for them. To keep us going at para sa industry na rin.”

Sinang-ayunan naman ito ni direk Jerry Sineneng,

” Oo ‘yung sakit hindi nawawala pero sa kabilang banda nagpapasalamat ako sa Diyos na naka-survive tayo ng isang taon na walang prangkisa pero hindi nila napatay ang ABS -CBN.Naitawid pa rin namin.”

Sabi naman ni Iza Calzado, ” Despite of no franchise marami pa ring magagandang shows and I would like to commend the network for really working hard. “

Sey naman ni Heaven ay sa kabila ng mga nangyari ay mananatili siyang loyal.

Pagbabahagi naman ni Zaijan Jaranilla na aniya ay lumaki at nagkaisip na sa ABS- CBN ay ,”Nakakakungkot pero sa kabila ng lahat ay nakakagawa pa rin tayo ng mga teleseryeng magaganda. “

Heaven binuking ang sikreto

May sikreto pala si Heaven Peralejo para hindi maubos ang luha sa pag-iyak kapag may mga eksena.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kuwento niya, ” Lagi po akong may baon na water jug at panay ang inom ko ng tubig para hindi ako ma-dehydrate.”

Ang paggawa ng drama na raw ang gustong tahaking career ng young actress. Sa latest episode ng MMK ay gagampanan niya ang papel bilang anak ng karakter ni Iza Calzado. Nagpapasalamat daw siya rito dahil inalalayan daw siya sa aktingan.

 

Ahron game na sa baklaan

Dahil nauuso ang BL series, game na rin daw si Ahron Villena na gumawa nito. Willing na siyang gumawa ng baklaan na tema.

” Wala nang arte-arte pa. Why not. Bilang artista gagampanan lang naman natin yung role. “

Wala raw kiyeme ang aktor kasehodang magpakita siya ng behind. ” Basta maganda yung script why not. Huwag lang ‘yung ang daming shots o eksenang kukunan tapos hindi naman palalabas lahat. Sayang naman di ba?

Wala na pala sa pangangalaga ni Freddie Bautista si Ahron at nasa Cornerstone na siya ngayon. Wala rin siyang kontrata sa kahit anong network which is mas okay naman daw sa kanya dahil nakakatawid siya kahit sa’ng network.

Leave A Reply

Your email address will not be published.