Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABS-CBN: Lagpas 300 gumaling sa COVID, todas pala

0 252

May nasilip umano na ilang pagkakamali sa daily COVID-19 tally ng Department of Health (DOH) kung saan dinideklarang gumaling na ang ilang pasyente ngunit namatay pala ito sa naturang sakit.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN base umano sa pagsusuri ng kanilang Investigative and Research Group (IRG), nakita nila na aabot sa 1,332 na-report na gumaling sa COVID-19 ang tinanggal ng DOH sa kanilang tally.

Ang 309 dito ay nakitang nasawi na pala, dalawa naman ang hindi tinamaan ng COVID-19 habang ang iba pa ay kasama sa mga duplicate case.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mas kaunti naman umano ang pagkakaiba sa death toll kung saan 46 lamang ang natapyas, 17 dito ang buhay pa, habang 26 namang ang duplicate case.

Ayon sa paliwanag ng DOH, may mga pagkakataon na nagkakamali umano ang mga laboratoryo sa pag-encode kaya nagkakaroon ng error sa kanilang tally.

Tinuro rin ng DOH ang mga local government unit at ilang pasilidad na hindi nagre-report ng mga COVID-19 case sa kanilang lugar.

Hindi naman sinagot ng DOH kung paaanong nangyari na nasama ang mga namatay na sa listahan ng mga nakarekober sa COVID-19. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.