Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABS-CBN may ‘nilulutong’ show kay John Lloyd

0 106

NI: VINIA VIVAR

Naging palaisipan sa marami ang kumakalat ngayong larawan ni John Lloyd Cruz kasama ang ABS-CBN President and CEO Karlo Katigbak.

The photo was posted last Sunday sa Instagram Story ni Marilen Roa Nunez of Crown Artist Management na siyang humahawak sa career ni Lloydie ngayon.

Wala na ang larawan sa IG Story ni Marilen pero nakunan na ito ng screenshot ng mga netizen at ibang showbiz online sites.

Makikita rin sa larawan si Marilen at bagama’t wala na siyang ibang detalyeng inilagay tungkol sa nasabing pagkikita, lumikha na agad ito ng maraming katanungan.

May niluluto raw bang project ang ABS-CBN para kay Lloydie gayung napabalita na ngang nasa GMA-7 na ang aktor? And if so, does this mean na nahabol ng Kapamilya network si JLC?

Matatandaan kasing wala pang announcement ng pormal na paglipat or pagpirma ng kontrata ni John Lloyd sa Kapuso matapos siyang mapanood sa special show ng isang shopping online.

Napabalitang gagawa siya ng sitcom with Andrea Torres pero up to now ay bali-balita pa lang ito at wala pang kumpirmasyon.

Matatandaang nakita ring nakipag-meeting si Lloydie last month with GMA executives Annette Gozon-Valdez and Joey Abacan pero wala ring detalye kung ano ang kanilang napag-usapan.

Sa bagong development na ito, ang malaking tanong ngayon ay kung Kapamilya pa rin ba or Kapuso na si Lloydie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.