Abante Tonite Interactive

ABS-CBN nairita kay Korina

By
6,887

SINUPORTAHAN ni JM de Guzman ang premiere night ng pelikulang Mr. and Mrs. Cruz na ginanap sa SM Megamall kamakalawa ng gabi. Suporta niya ‘yon sa kaibigan niyang si JC Santos na kasabayan niya sa UP, at nakasama pa sa entablado.

Bale first public appearance ni JM ‘yun pagkatapos lumabas ang exclusive interview sa kanya ni Korina Sanchez sa Rated K. Masaya si JM sa mainit na pagtanggap sa kanyang pagbabalik, kaya lalo raw siyang na-inspire na bumalik sa trabaho.

“Overwhelmed pa rin ako sa lahat, sa suporta ng mga tao,” sabi ni JM.

May mga plano na raw ang Star Magic at ABS-CBN 2 sa kanya, pero hindi pa niya masabi kung alin ang uunahin niya.

“We are prioritizing po ‘yung recovery. Nandun naman po ‘yung full trust ko, at alam ko naman po na mabibigyan ako ng tamang project. Excited na rin po akong makapagtrabaho,” say ni JM.

Ang isang wish daw niya sana na magkaroon ng part two ang That Thing Called Tadhana nila ni Angelica Panganiban.

Umaasa siyang tuloy-tuloy na ito dahil noon pa man ay nandun na raw ang pagpupursige na mabalik ang dating sigla ng career.

“Never po dumapo sa isip ang mag-quit. Actually, lagi kong gustong lumabas o gustong bumalik. Pero umabot sa point na may pag-asa pa ba? Mabibigyan pa ba ako? Parang ganun na ‘yung self-defeating thoughts. I went through that process na labanan ‘yung thoughts na ‘yun,” seryosong pahayag ni JM.

Samantala, napapag-usapan din doon sa premiere night na hindi raw natuwa ang Star Magic sa interview kay JM sa Rated K. Mas nag-focus daw kasi si Korina sa kung paano nalulong sa droga ang aktor, at hindi nag-focus sa pag-move on. Mas positibo na raw sana ang gusto nilang mapag-usapan tungkol kay JM.