Abante Tonite Interactive

ABS-CBN natuto na! Ethel Booba nabayaran agad sa ‘Showtime’

691

Matapos ireklamo ang delayed na talent fee para sa ‘Minute to Win It’ at ‘Gandang Gabi Vice’, kaagad na nabayaran si Ethel Booba para sa kanyang pagsali sa ‘Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime’.

Sa kanyang tweet, hawak ni Ethel ang kanyang mga pay slip para patunayang nabayaran agad siya sa kanyang paglabas sa noontime show.

“Maraming Salamat sa lahat ng nagdasal at sumuporta. Ayan bayad na, kaliwaan na talaga sa panahon ngayon. Charot! #ShowtimeSikatSaKantahan,” ayon sa komedyana.

Isa si Ethel sa mga naging contestant para sa ‘Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions’kung saan kinanta ang ‘Help’ ni John Farnham.

Maayos na ang kanyang mga talent fee sa dalawang show na nabanggit, ang ‘Minute to Win It’ at ‘GGV’ na inabot ng halos isang taong hindi nabayaran.

RP