Abante Tonite Interactive

ABS-CBN olats kay Willie sa P127M copyright case

1,660

Dinismiss ng Supreme Court (SC) ang petition for review na isinampa ng ABS-CBN kaugnay sa ruling ng Court of Appeals pabor kay Willie Revillame sa P127 million damage for copyright case na isinampa ng network.

Pinababayaran pa ayon sa resolution sa TV network ang lahat ng nagastos ng kabilang panig sa isinampang kaso.

Matatandaang nag-ugat ang reklamo ng ABS-CBN nang mula sa kanila ay kumabilang network si Willie sa TV5 (ABC Development Corporation) . Doon ay nagkaroon siya ng show na “Willing Willie”, ngunit pinatitigil ng Kapamilya network ang pagsasa-ere nito noong Nobyembre 2010. Halos kapareho diumano ito sa show noon ni Willie sa ABS-CBN na “Wowowee”.

“As correctly held by the CA, Wilfredo Revillame’s (Revillame) refusal to ‘honor his talent agreement by not working for a rival network is the delict that purportedly violated the petitioner’s rights in the separate claims. Thus, the petitioner resorted to forum shopping when it filed a complaint for infringement, the cause of action of which is similar to its compulsory counterclaim (in another case) considering that both can be traced from Revillame’s refusal to honor his talent agreement,” ayon sa latest decision ng SC. (Jun Lopez)