Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABS-CBN pinaimbestigahan uli ni Marcoleta

0 406

Iginiit ng isang mambabatas na isalang sa panibagong imbestigasyon ang ABS-CBN hinggil sa umano’y mga paglabag sa prangkisa nito kasabay na rin ng pagpapataw ng nararapat na multa ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa Kapamilya network.

Batay ito sa inihaing House Resolution No. 1333 ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta, na humihiling sa kinauukulang komite ng Kamara para alamin ang mga sinasabing paglabag ng pinasarang network.

Tinukoy sa resolusyon na sa mga pagdinig kaugnay sa franchise renewal ng ABS-CBN ay kinumpirma umano ng isang NTC commissioner na nilabag ng network ang ilang regulasyon ng ahensya.

SM food to go Banner Ad

Kabilang umano dito ang kawalan ng permit para sa digital broadcast, walang permit para sa encryption of signal, paglabag sa cease and desist order ng NTC na inisyu noong Mayo 5,2020, unathorized sale/operation ng ABS-CBN TVplus na walang conditional access system (CAS) at pagkabigo na ire-export ang equipment na ginamit sa demonstration.

Malinaw umanong nakasaad sa Section 21 ng Public Service Act na P200 kada araw ang multang ipapataw sa bawat paglabag sa mga regulasyon ng NTC.

Dahil dito, ayon sa resolusyon, tinatayang aabot sa kabuoang P1,612,711,163,000 administrative fine ang dapat ipataw ng NTC sa ABS CBN.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.