Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABS-CBN `pinatay’ NTC

0 610

Pormal nang ipinatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) sa pamamagitan ng 2 cease –and-desist order ang operasyon ng ABS-CBN digital broadcast TVPlus sa Metro Manila at ang Sky Cable’s Direct Broadcast Satellite Service sa buong bansa .

Inutusan ang ABS-CBN na ipatigil ang kanilang digital transmission sa Metro Manila gamit ang Channel 43 na nagpapalabas ng TVPlus channel gaya ng Cine MO!, Yey!, TeleRadyo, at ang pay-per-view channel na KBO.

Ayon sa NTC ang mga nabanggit ay kasama sa listahan ng mga radio at TV stations na insyuhan ng cease and desist order noong Mayo 5 laban sa ABS-CBN.

Napaso ang prangkisa ng ABS-CBN network noong Mayo 4 na dahilan upang matigil ang operasyon nito sa telebisyon at radyo.

Sa inisyu ng alias CDO kahapon, inatasan ng NTC ang Sky Cable Corp , ang cable company ng network na agad na pairalin ang `cease and desist’ sa kanilang SKY direct-to-home satellite transmission, na direktang makakaapekto sa mga subscriber nila sa buong bansa .

“Sky Cable should “immediately cease and desist operating its Direct Broadcast Satellite Service” or DBS service using radio frequencies 14421-14457 MHz and 12673-12709MHz,” sabi ng NTC.

“ Sky Cable Corp. was asked to “show cause why frequencies assigned to it shall not be recalled for lack of necessary congressional franchise to operate,” and to “refund its subscribers amounts representing unconsumed prepaid loads, deposits on equipment and devices, deposit or advance payment for postpaid subscribers, charges collected from new applicants,” ayon pa sa order ng NTC .

Your email address will not be published.