Abante Tonite Interactive

ABS-CBN pumalo sa rating

282

ABS-CBN pa rin ang pinakapinanood na TV network noong Enero sa pagbubukas ng taon dahil sa makabuluhang balita at mga aral na dala ng mga programa nito, kaya naman nagtala ang Kapamilya network ng average audience share na 45%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Nanguna ang ABS-CBN partikular na sa Mega Manila, kung saan nakakuha ito ng average audience share na 37%, Pumalo naman ang average audience share ng ABS-CBN ng 44% sa Metro Manila. Tinangkilik din ang Kapamilya network sa Total Luzon, kung saan nagkamit ito ng 40%; sa Total Visayas, kung saan nakarehistro ito ng 54%; at sa Total Mindanao, kung saan nagtala ito ng 55%.

Patuloy rin na nanguna ang mga palabas ng Kapamilya network sa top 10 list ng pinakapinanood na mga programa noong nakaraan na buwan, kung saan namamayagpag pa rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (39.1%).

Related Posts
Abante Hiring – IT dep

Kabilang din sa top 10 ang bagong Kapamilya shows tulad ng “The Ge­neral’s Daughter” (32.8%) ni Angel Locsin at ang “World of Dance Philippines” (30.8%), ang bagong reality ta­lent show na sinundan ng flagship news program ng ABS-CBN na “TV Patrol” (30.2%). Matagumpay rin ang pagtatapos ng “Ngayon at Kailanman” (28.7%), habang patuloy na tinatangkilik tuwing Sabado ang “Maalaala Mo Kaya” (24.3%). Patok pa rin sa viewers ang “Halik” (23.2), samantalang wagi ang comeback ng “Minute to Win It: Last Man Standing” (22.6%) sa pagpasok nito sa top 10 most watched programs. Kinumpleto ng “Wansapanataym” (22.4%), ang programang laging may mapupulutan ng aral, ang listahan.

Samantala, panalo rin ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime kung saan 50% ang natamong average audience share ng ABS-CBN.

Matagumpay rin ang Kapamilya network sa morning block (6AM-12NN) na nakarehistro ng average audience share na 37%; sa noontime block (12NN-3PM) na may 42%, at sa afternoon block (3PM-6PM) na may 44%.