Abante Tonite Interactive

ABS-CBN renewal sinasalba ni Poe

599

Sisimulan na ng Se­nate public services committee ang pagdinig sa franchise renewal ng ABS-CBN sa kabila ng pagtulong ng Kamara sa naturang panukala.

“Actually, alam mo nagpalit na ‘yung isip ko e. Sa tingin ko, didinigin na natin mismo ang prangkisa,” pahayag ni Senadora Grace Poe, chair ng komite, sa isang press conference kahapon.

Una rito, naghain si Poe ng resolusyon para imbestigahan kung sumunod ba ang ABS-CBN Corporation sa terms and condition sa ibinigay sa kanilang prangkisa, sa ilalim ng Republic Act No. 7966.

“Simultaneous naman ang pagdinig, sa House at sa Senado kahit na wala pang nata-transmit na bill ang Kongreso, naghi-hearing na tayo dito,” sabi ni Poe.

Samantala, maaaring kasuhan ang Kongreso dahil sa kapabayaan o pagtalikod sa ‘constitutional duty’ nito kung patuloy na hindi nito aksiyunan ang nakabin­bing panukalang may kinalaman sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN. (DM/EP/JC)

Subalit nilinaw ng senador na ang kanyang desisyon na talakayin na ang franchise renewal ng ABS-CBN ay hindi para pangunahan ang Kamara.
“My intention is not to pressure them to do anything that is against their will because that’s their right,” paliwanag ni Poe.
“On the other hand, as a lawmaker and as a citizen, we expect our representatives to act on our behalf in a timely manner,” dagdag nito.
Gayunpaman, umaasa si Poe na sisimulan na ng Kamara ang pagdinig sa mga nakabinbin na panukala lalo na’t magpapaso na ang prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 30.
“It is our hope that they will act on it already because as we know the franchise of ABS-CBN will end this march,” ani Poe.
“But in the case of the Senate, I think we should be able to exercise our mandate, otherwise, we are not fulfilling our responsibility,” sambit pa nito.

Kapag hindi inaksiyunan: Kongreso ‘nangangamoy’ kaso

Maaring kasuhan ang Kongreso dahil sa kapabayaan o pagtalikod sa ‘constitutional duty’ nito kung patuloy na hindi nito aksiyunan ang nakabinbing panukalang may kinalaman sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon ito kay Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate kasunod na rin nakatakda nang pagpaso ng prangkisa ng naturang TV network sa Marso 30.

Sinabi ng kongresista, kung hayaan lamang umano ng kongreso na magpaso ang prangkisa na hindi man lamang nagtakda ng pagdinig bago pa man ito mag-expire ay isa itong malinaw na pagtalikod o pagpapabaya sa tungkulin nito na maaring mahaharap sa kaukulang kaso.

“If that is the case then Congress can be sued for its grave inaction.It would be best if a hearing for the renewal of the ABS-CBN franchise be called before its expiration,” ayon kay Zarate.

Tinukoy pa ng solon na simula 16th Congress, ang applications for renewal ng ABS-CBN franchise ay naihaon na ngunit hanggang ngayon o siyam taon na ang nakalipas, walang isa mang pagdinig ang
ipinatawag ang Franchise committee.
“This is terribly unfair to the applicant and it is not their fault that the franchise is not renewed. As it is, it would not be renewed because Congress failed to perform its constitutional duties, to the great damage of the applicant including its more than 11,000 employees and the general public being deprived of its services,” dagdag pa ni Zarate.

Reso para ABS-CBN hearing 91 na pumirma

Umabot na sa 91 kongresista ang lumagda sa resolusyon na himihiling sa House Committe on Legislative Fanchise na aksiyunan sa lalong madaling panahon ang nakabinbing panukalang may kinalaman sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Nabatid ito mula kay Albay Rep.Edcel Lagman, pangunahing naghain ng resolusyon.

Kinumpirma ni Lagman, sa kabuuang 91 pumirma, 65 dito ay miyembro ng ‘super majority’ kabilang na umano dito ang 8 deputy speakers na tumangging naman pangalanan.

Umaasa si Lagman, na madagdagan pa ang bilang na pipirma sa resolusyon na inaasahang magiging daan upang maobliga ang komite na umaksiyon.