Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABS-CBN sadsad sa nawalang prangkisa

0 126

Higit pa sa doble and ikinalaki ng lugi ng ABS-CBN Corporation sa first quarter ng 2021 kung ikukumpara sa parehong panahon ng nakaraang taon.

Ayon sa disclosure ng ABS-CBN sa Philippine Stock Exchange (PSE), umabot na sa P1.9 bilyon ang net loss o ang lugi nito ngayong first quarter ng 2021 kumpara sa P751 milyong pagkalugi sa parehong panahon noong 2020 na may prangkisa pa ito.

Nabatid na mahigit sa 78% ang nalaslas umano sa kita ng ABS-CBN sa advertising na umabot lamang sa P929 milyon noong first quarter ng taon samantalang P4.2 bilyon pa ito sa parehong quarter noong 2020.

SM food to go Banner Ad

Bumaba rin ang kita ng kompanya mula sa mga consumer sales tulad ng TV Plus box at iba pa.

Ayon sa ABS CBN, ang consumers sales nito ay bumaba ng 31% sa P3 bilyon mula sa P4.4 bilyon noong first quarter ng 2020. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.