Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABS-CBN sisipain sa Mother Ignacia

0 1,822

Matapos matanggal ang prangkisa, ang mismong headquarters naman ngayon ng ABS-CBN ang puntirya ng mga kongresista.

Ayon kay Deputy Speaker Rodante Marcoleta, nais nilang mapaalis ang ABS-CBN sa kanilang opisina sa Mother Ignacia at sa mga lupa ng JUSMAG (Joint U.S. Military Assistance Group) sa Quezon City.

“‘Yung titulo nila (Lopez) hindi naman totoo, pwede natin sila i-eject doon,” lahad ni Marcoleta. Giniit ng mambabatas, wala umanong reply ang mga opisyal ng ABS-CBN nang tanungin ukol sa kakulangan ng dokumento para mapatunayang pagmamay-ari nila ang lupa kung saan nakatirik ang compound ng istasyon.

“Kahit isang salita, natameme sa titulo. Banat na lang ng banat, hanap ng butas, pero titulo nila ayaw magsalaita kahit isang letra,” ani pa ng kongresista. Saad pa ni Marcoleta, nabigo umano ang ABS-CBN na magpakita ng orihinal na kopya ng titulo sa kanilang property, na aniya’y ang tanging na-present ng network ay ang titulo sa isang 42-square meter lot na hindi sapat para sa 44,000-square meter kung saan nakatayo ang gusali at mga transmitter.

“May nakanota na for reconstitution. Ibig mong sabihin, since December 26, 1967, ‘di pa na-reconstitute titulo? Conclusion lang dito, pinagawa lang sa Claro M. Recto ito,” aniya pa.

Sambit naman ni Cavite Rep. Boying Remulla, gobyerno dapat ang nagmamay-ari ng JUSMAG kung saan nakatayo ang building ng ABS-CBN foundation.

“Bakit nila hawak ang JUSMAG compound? Anong basis noon? Dapat sa gobyerno ‘yan,” giit ni Remulla.

Leave A Reply

Your email address will not be published.