Abante Tonite Interactive

ABS-CBN sound stage sa Bulacan pang-Hollywood

676
tonite-this-is-it-roldan-castro
Bilang paggunita sa ika-65 na anibersaryo ng telebisyon sa Pilipinas, pormal nang binuksan ng Kapamilya network ang dalawang sound stages nito sa San Jose del Monte, Bulacan ngayong araw (Disyembre 12) na pang-Hollywood ang kalidad.
Ayon kay ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, layunin ng kompanya ang maipakita ang galing ng Pilipino sa buong mundo sa pamamagitan ng paggawa ng mga de-kalibreng palabas sa mga maka­bagong pasilidad na ito.
Naniniwala si ABS-CBN chairman Mark Lopez na kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa ibang mga bansa, kung saan karaniwang sa sound stage na shinu-shoot ang mga eksena sa mga palabas at pelikula.
Ideya ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III ang pagtatayo ng sound stages na aniya’y makakatulong sa paggawa ng mga produksyon na mag-aangat sa pangalan ng bansa sa ibayong dagat.
Simula 2019, magagamit na ng Kapamilya network ang sound stages na nasa loob ng isang 7.7-hectare na IT park, kung saan mayroon ding mga itinayong opisina, dressing room at meeting room, rehearsal studio, at iba pang pasilidad na kailangan sa produksyon. Una nang nakalinyang gawin dito ang teleseryeng “The Faithful Wife” at ang pelikulang “Darna” na uumpisahan ang shooting sa ikalawang bahagi ng 2019.
Kaagapay ng ABS-CBN sa pagtatayo ng high-tech na sound stages o studios na may laking tig-1,500 sq. m. ang Manhattan Beach ­Studios na kompanya sa Los Angeles, USA. Nagsimula na ring dumaan sa masinsinang workshop at training ang mga production staff ng ­Kapamilya network upang mahasa ang galing at kakayahan nilang gumawa ng de-kalidad na palabas gamit ang mga bagong pasilidad. Bubuksan din ang sound stages sa ibang mga kompanya rito sa bansa o mula sa ibang bansa na nais gamitin ang pasilidad para sa kani-kanilang proyekto.
Kasama nina Lopez III, Lopez, at Katigbak sa pagpapasinaya ng sound stages sina ABS-CBN board member at dating president at COO Freddie Garcia, ABS-CBN board adviser, dating president at CEO, at kasalukuyang chief creative officer na si Charo Santos-Concio, ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes, at ABS-CBN Film Productions, Inc. managing director Olive Lamasan, kasama rin sina Rep. Rida Robes, Mayor Art Robes, at iba pang mga taga-ABS-CBN.

Rose nagpapainit ng dugo ang alindog

 

Humahataw ang kandidata ng Turismo Filipina 2018 na si Rose Angelica S. Tan. Siya ay 21 years old at 32-25-35 ang kanyang sukat. Bawat lalaki na pinagmamasdan ang  kanyang alindog ay nag-iinit ang dugo.
Bachelor of Science in Business Administration General Management ang kursong ginagamit sa   Columban College.
Dati siyang reservation officer ng Anvaya Cove sa Morong, Bataan.
“Ang pangarap ko sa buhay ay maging isang modelo, sumali sa runway at beauty pageant. Gusto ko ring  magkaroon ng maayos na trabaho at makatulong sa magulang. Ngayon ay pinipilit kong tuparin ang mga ito.
Idol niyang modelo ay ang mag-best friend na sina Kendall at Gigi Hadid. Ganoon din si Naomi Campbell.

Ken may Christmas hugot sa ‘Sarap Di Ba?’

Maghahandog ng Pamaskong awitin ang mga Kapuso singers na sina Rita Daniela, Kyryll Ugdiman at Ken Chan sa “Sarap Di Ba?” ngayong Sabado ng umaga sa GMA-7.
May Christmas hugot stories si Ken sa special Oatmeal Arroz Caldo!
Magkakaroon din ng Jingle Ball Rock Challenge!
Ngayong weekend ay tatalakayin nina Carmina at ang kambal na sina Cassy at Mavy ang tungkol sa pamilya at pagkain. ­Tiyak na mag-e-enjoy sa episode na ito.
Ngayong gabi ay huhusgahan na kung sino ang magiging Mr. White Bird 2018, 9:30 PM. Maglalaban ang naguguwapuhang modelo ng White Bird Entertainment Bar na matatagpuan sa Roxas Boulevard (malapit sa Baclaran Church).
Para sa ibang detalye tawagan si Gelli sa 0927-907-4623. Tumawag sa 851-2088-89, 0927-907-4623.