Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABS-CBN, Star Magic kinondena ang pekeng litrato nina Sue, Maris

0 296

Nagbigay ng official statement ang ABS-CBN 2 at Star Magic tungkol sa pekeng ‘nude photo’ nina Sue Ramirez at Maris Racal.

“Nakarating sa amin ang mga malisyoso at edited na litrato ng aming mga Kapamilyang sina Sue Ramirez at Maris Racal na kumakalat online.

Kinukundena ng ABS-CBN at Star Magic ang iligal na pagmamanipula ng mga litrato ng mga artista at kahit na sino dahil ito ay isang uri ng gender-based online sexual harassment sa ilalim ng RA 11313 o The Safe Spaces Act.

Nakikiusap kami sa lahat na itigil na ang pagkakalat ng mga pekeng litratong ito sa social media. Ang kapakanan ng aming talents ang pinakamahalaga sa amin, kaya naman hindi kami magdadalawang isip na gumamit ng ligal na aksyon laban sa mga gumawa nito at sa kahit sinong magpo-post, mamamahagi, o kokopya ng mga litratong ito.

Dapat ay tinatrato ang lahat nang may dignidad at respeto, kahit na sa social media.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.