Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABS-CBN tumaya sa TV5

0 57

Pinag-uusapan ng ABS-CBN Corporation ng mga Lopez at TV5 Network ni Manny V. Pangilinan ang pagpapalawak ng kanilang mga partnership, sabi ng ABS-CBN kahapon.

Sinabi ito ng kompanya matapos ianunsiyo ni Pangilinan na malaki ang pagkakataong magkapirmahan na ng kasunduan ang ABS-CBN at Media Quest Holdings na parent firm ng TV5 kung saan magtatayo ang dalawa ng joint venture na 65% kay Pangilinan at 35% sa ABS-CBN.

Sabi ni Pangilinan, hindi nila bibilhin ang ABS-CBN, bagkus, mag-i-invest ang ABS-CBN sa TV5 kung saan gagamitin ang free-to-air broadcast platform ng TV5.

SM food to go Banner Ad

Aniya, umaasa siyang matatapos ang kasunduan ngayong buwan o sa Setyembre.

Sinabi pa ni Philippine Competition Commission (PCC) Officer In Charge Johannes Bernabe na mandato nilang suriin ang mga transaksiyon para maiwasan ang mga monopolyo kung saan dehado ang mga consumer. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.