Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABS-CBN tv, radio frequency binawi ng NTC

0 84

Inutos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagbawi sa mga channel at radio frequency na ipinagkaloob sa ABS-CBN dahil sa kawalan na rin umano nito ng prangkisa.

Base sa tatlong pahinang desisyon na inilabas ng NTC nitong Huwebes, wala na ang pribilehiyo ng ABS-CBN para mag-operate ng broadcasting station sa bansa matapos na ibasura ng Kongreso ang aplikasyon nito para sa panibagong prangkisa.

“Consequentially, absent a valid legislative franchise, the recall of the frequencies assigned to respondent is warranted,” nakasaad pa sa desisyon na may petsang Setyembre 9.

Nabatid na kapag nabawi na ng NTC ang mga ipinagkaloob na tv at radio frequency sa ABS-CBN ay maaari nang gamitin ng pamahalaan o ibenta sa ibang kompanya. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.