Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ABS-CBN YouTube channel na-hack

0 142

Na-hack ang YouTube channels ng ABS-CBN Corp., particular na ang mga naghahatid ng mga balita, ang ABS-CBN News at ANC 24/7.

Sa isang pahayag, sinabi ng ABS-CBN na nawala ang ABS-CBN News at ANC 24/7 channels sa YouTube ng 6:30 am kahapon matapos itong ma-hack ngunit naibalik alas-3:58pm sa pakikipagtulungan ng YouTube.

Sabi ng ABS-CBN, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente at nagsasagawa ng mga hakbang para hindi na maulit.

Buo pa rin ang hangarin ng ABS-CBN na magbigay ng balita at impormasyon sa mga Pilipino, lalo na ngayong marami ang may pinagdadaanan at nangangailangang bumangon mula sa hagupit ng super typhoon Rolly at paghandaan ang susunod pang bagyo.

“ABS-CBN remains committed to provide news and information to our countrymen, particularly over these trying times as we recover from the effects of Super Typhoon Rolly and prepare for another incoming weather disturbance,” sabi ng kompanya. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.