Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abu Sayyaf dedo sa engkuwentro

0 94

Bumulagta ang isang miyembro ng Abu Sayyaf terrorist group nang masapol sa pakikipag-engkuwentro sa mga sundalo sa Sulu nitong Huwebes, ayon sa report ng military.

Sinabi ng Armed Forces’ Western Mindanao Command, natagpuan ang bangkay nito matapos ang isinagawang “strike operation” ng security forces sa Barangay Lumbaan Mahaba, Parang.

Nakilala ang napatay na si Gan Salahudin, isang extremist sa ilalim ni ASG sub-leader Apah Salah.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“While clearing the encounter site, troops recovered the enemy cadaver, one 5.56mm M16 rifle, and one M203 Grenade Launcher,” pahayag ng Wesmincom.

Nabatid na nakabakbakan ng security forces ang di natukoy na bilang ng ASG members sa Barangay Buanza sa Indanan, Sulu. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.