Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abu Sayyaf leader nasa Sulu – Wesmincom

0 156

NASA Patikul Sulu ang hinahanting na Abu Sayyaf leader na si Mundi Sawdjaan, ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Ito ang kinumpirma ni Western Mindanao Command chief Maj. Gen. Corleto Vinluan kaya mahigpit ang operasyon ngayon ng AFP sa nasabing lugar.

“Oo, nandun sya,” pahayag ni Vinluan nang tanungin kung nasa Patikul si Sawadjaan base sa kanilang impormasyon.

Kasama ni Sawadjaan ang iba pang tumakas na Abu Sayyaf members na sugatan.

“Ang nakikita nila baka hindi bababa ng lima ang may tama dun,” sambit pa nito hinggil sa kasama ng Abu Sayyaf leader.

Kokordonan na rin ng militar ang Patikul para matiyak na hindi makakatakas si Sawadjaan at mga kasama nito.

“Nasa patikul pa rin sya, hindi sya makaalis dun kasi maraming tropa rin dun . Tuloy-tuloy ang operasyon, hindi titigilan yan,” sinabi ni Vinluan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.