Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abu Sayyaf napupulbos na – DILG

0 58

Unti-unti nang humihina puwersa ng local terrorist na Abu Sayyaf Group (ASG) matapos sumuko sa gobyerno ang tinatayag 100 miyembro ng grupo.

Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa press briefing sa Malacanang nitong Biyernes.

Ayon kay Abalos, kakarampot na lang ang kasapi ng bandidong grupo partikular na sa Basilan at Sulu.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Iyong sa Abu Sayyaf, kaunting-kaunti na lang. I was informed, talagang napakalaki na ng kinahina,” ani Abalos.

Tiniyak naman ng kalihim na tutulungan ng gobyerno ang mga sumukong bandido sa pamamagitan ng tulong pinansiyal at livelihood assistance at bawat baril na isinuko ay may katapat na presyo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.