Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abu Sayyaf natimbog sa Taguig

0 276

Nalambat ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa isinagawang operasyon sa Maharlika Village, Taguig City ng operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI)-Counter Terrorism Division na nakabase sa Quezon City.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric Distor ang ASG member na si Wahab Jamal alyas Ustadz Halipa na nadakip nitong Mayo 7 sa bisa ng Warrant of Arrest ng Regional Trial Court ng Basilan sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention.

Ayon kay Distor ang pagkakadakip kay Jamal ay base na rin sa impormasyon na kanilang natanggap noong Abril na may namataang ASG member sa Maharlika Village Taguig City.

SM food to go Banner Ad

Si Jamal ay sangkot sa kidnapping sa Golden Harvest Platation noong 2001 sa Tairan Lantawan Basilan Province.

Dalawang testigo ang lumutang sa NBI sa Quezon City at kinilala ng mga ito sa larawan na si Jamal bilang suspek, na ikinadakip nito matapos ang halos 20-taong pagtatago sa batas. (Dolly B. Cabreza/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.