Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abu Sayyaf sub leader arestado sa Zamboanga

0 153

Arestado sa Zamboanga Sibugay ang isang sub leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa mga kidnapping at pagpatay.

Kinilala ang naarestong si Jamiul Nassalon, 41, na gumagamit ng iba’t ibang alyas katulad ng Ustad Amih, Abu Harris, Abu Janar, at Abu Jamih. Sangkot ito sa mga kasong kidnapping with ransom, serious illegal detention, murder at attempted murder.

Nadakip si Nassalon alas-kwatro Miyerkules ng hapon matapos ang isinagawang high risk intelligence-driven law enforcement operations sa Brgy. Caliran, Mabuhay.

Siya ang itinuturong mastermind ng pagdukot at pamumugot kay Doroteo Gonzales noong 2009 sa Zamboanga City.

Kasama rin ito sa bus terminal bombing sa Guiwan noong 2012; gayundin sa mga nagmasaker sa walong mangingisda sa Siromon waters sa Brgy. Dita noong Enero 9, 2017, pambobomba sa isang rural bus sa KM-57 sa Brgy. Buenavista noong Pebrero 14, 2017.

Base sa intelligence ng kapulisan, plano sanang maghasik ng lagim ng grupo ni Nassalon sa Zamboanga Peninsula bago ito nadakip. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.