Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva alaga sa San Miguel

0 106

WELCOME na welcome sa San Miguel Corporation (SMC) si Calvin Abueva.

Kamakailan lang, napadpad ang 33-anyos na forward sa Magnolia Hotshots kapalit ni Chris Banchero at dalawang draft picks.

Katunayan, aalagaan daw siya nang husto ng kumpanya ayon kay San Miguel sports director Alfrancis Chua.

“Sabi niya sa akin, mas gusto ko, dito ka na mag-retire. Kasi dito, mas alaga ka,” kuwento ni Abueva.

Hindi lang ‘yun, nangako pa si Chua kay Abueva na gaganda ang buhay niya sa SMC.

“Sabi niya, basta ayusin mo trabaho mo dito, gaganda buhay mo,” nakangiting sabi ni Abueva.

Nagsimula na si Calvin ng ensayo sa Hotshots kung saan ay magkakaroon sila ng reunion ni Ian Sangalang, na teammate niya nung kolehiyo sa San Sebastian Stags. (Abante Tonite Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.