Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva angat sa best player

0 79

Dikdikan ang laban ni Calvin Abueva ng Magnolia Pambansang Manok kina Mikey Williams ng TNT, at Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort para sa Best Player of the Conference ng 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup semi-bubble.

Ungos lang bahagya ang ‘The Beast’ sa statistical points race pagkaraan ng 11-game eliminations sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga sa nalikom na 35.36 points sa pag-upo sa No. 10 sa scoring (16.1 points), fourth sa rebounding (9.7) at 8th sa blocking (1.7).

May 35.30 si Wiliiams, ang rookie na No. 4 pick ng Tropang Giga sa taong ito, samantalang may 35.27 si Bolick sa dominasyon ng mga mas nakababatang basketbolista sa tournament highest individual award.

Ang namamayagpagb sa scoring ay si Terrence Romeo ng San Miguel Beer, si Bolick sa assist at si Gregory William Slaughter sa rebound. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.