Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva angkla ng Magnolia

0 111

Mga laro ngayon (Ynares Arena-Pasig)

3 pm – Phoenix vs. NorthPort

6 pm – Alaska vs. Magnolia

Agad ipina-isolate ng PBA ang TNT at Terrafirma matapos lumabas ang resulta na positive ang apat na players ng Tropang Giga.

Base sa protocol ng liga, hindi paglalaruin ang dalawang naglabang teams kapag isa sa kanila ang nag-positive pagkatapos ng match.

Tinalo ng TNT ang Dyip 86-79 noong Sabado sa debut game nila sa PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Kinansela ang laro dapat ngayong araw ng Dyip-Alaska at TNT-Magnolia, ire-re-schedule sa ibang araw.

Hindi pinangalanan ng liga kung sino sa TNT ang nag-positive.

Magkakaroon pa rin ng dalawang laro ngayong araw sa parehong venue, naiba lang ang cast.

Haharapin ng Phoenix (0-1) ang NorthPort (0-1) sa 3 pm, susundan ng bakbakan ng Alaska (1-0) at Calvin Abueva-led Magnolia (1-0) sa 6 pm. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.