Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Abueva bantay sarado kay Kume

0 135

‘Di lang suspensyon at multa ang kahaharapin ni Calvin ‘The Beast’ Abueva sakaling muling maging ‘bad boy’ sa PBA.

Sa panayam ng ‘Sportalakan’ ng Abante News Online Lunes kay Commissioner Willie Marcial, inamin niyang niyang masinsinan niyang kinausap at nilatag ang mga puwedeng mangyari kay sa 32-year-old, 6-foot-3 forward ng Fuel Masters sakaling may gawing palpak sa liga.

“Nag-usap kami ni Calvin, sabi ko ‘Kapag may ginawa kang ganito, ito mangyayari sayo. Hindi lang suspensyon at fine,'” ayon sa pro league boss.

“Sabi ko kay Calvin, ‘Tinitingnan kita lagi,'” aniya pa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Natuwa naman si Kume dahil tinupad ni Abueva ang mga pangako sa kanya sa nagdaang 45th PBA 2020 Philippine bubble sa Pampanga.

“Kita mo ano nangyari? Ang ganda ng nilaro ni Calvin, ambait ni Calvin. Kapag may bumagsak, kakampi man o hindi, tinutulungan niya,” esplika ni Marcial. “So nagbunga [yung suspension].”

Lampas isang taon ding nasuspende si Abueva sa liga matapos niyang masaktan ang dating TNT import na si Terrence Jones noong 2019 PBA Commissioner’s Cup at binastos ang dyowa ni Tropang Giga Bobby Ray Parks Jr na noo’y nasa Blackwater pa.

Pumangalawa pa si Abueva sa statistical race sa bubble para sa Best Player of the Conference sa 37.1 average kahit wala ito sa mga unang laban ng Phoenix. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.